Tsk..tsk…tsk…ako ba’y nagkamali?
Bakit ganito ang nasambit ni Batman sa kanyang pagmuni-muni?
Bored? Feeling useless? Or mixed emotions of everything?
Ang daming tanong na di niya mahagilap ang mga sagot.
Sa araw-araw na pare-pareho ang mga nangyayari,,,baka he
need change!?
Flashback ulit si Batman.
February 2011,,,bagong lugar, bagong tao, bagong pangyayari.
Tandang tanda pa ni Batman ang kanyang unang hakbang pababa
sa eroplano dito sa bago niyang assignment.
After couple of years working in his previous
assignment,,,the management transferred him here at his present location.
He could say na blessing na rin siguro ‘coz it was given to
him at the same time nagkaroon pa siya ng increment.
Exciting na una…pero habang tumatagal nakakabored na rin
pala. Tahimik at malayo sa mapulitikang mundo kung saan siya na ka assign dati.
Anyway,,,that’s past,,,and he believes…Past is Past!
People come and go,,,and the only constant thing here on
earth is CHANGE (sabi nga nila,,,di ba?).
8 years na pala si Batman sa kanyang bansang
pinagtatrabahuan.
Sa walong taon na yun marami naring nangyari sa kanyang
buhay.
Nakapagtapos na ang mga Kapatid niya at ang bagong good news…may
bago na siyang House and Lot! (astig d ba?)
Yun nga lang hulugan pa for 5 years,,,pero mga 42months
nalang tapos na niya. At kumpleto na ang mga gamit sa loob ng bahay niya.
And take note sa subdivision na nakatira ni Batman (astig
talaga!).
Minsan nagtatawagan si Batman at mga friends niya sa Europe
at USA (sosyal ang friends!).
Hindi maiwasan na namimiss niya rin ang mga ito…kaso di na
sila mga bata na sarili lang ang iisipin.
May mga bagay-bagay na dapat din munang pag-isipang
mabuti,,,before making a big decision.
Kasi mahirap magkamali at bumalik sa umpisa. Magandang
makipagsapalaran kong alam mo na sigurado ka sa iyong pupuntahan.
Kaya naalala ni Batman ang katanungang kanyang nasambit… “AKO
BA’Y NAGKAMALI?”
At biglang may nag ring…nag ring ang iPhone ni Batman
(sosyal na mobile ni Batman,,,lol).
At biglang lumaki ang mga mata ni Batman…ito ang tawag na
matagal na niyang hinihintay!
Ang taong magpapasaya ng kanyang buhay! (hmmmm….booking?,,,lol!)
At huminto na naman ang mundo ni Batman.
Di na siya makapag-isip ng sagot sa kanyang katanungan.
Kaya walang iba siyang nabanggit kundi… “GOOD LUCK NALANG ULIT
KAY BATMAN!”
….TO BE CONTINUED
Comments
Post a Comment