gOOd LuCk kaY baTmAn 4 . . .

Sa pagpapatuloy ng GLKB Series . . .

Bored na naman si Batman.

Walang magawa.

Kaya nagmuni-muni tungkol sa buhay.

Tinanong niya ang kanyang sarili.

Ano na ba ang narating niya?

Sinagot niya ang unang katanungan . . .

Nakarating na siya sa Saudi at nananalangin ng mataimtim na sana 'wag naman siyang tumanda sa bansang ito. Higit 4 na taon na siyang nagtatrabaho dito. Nagtitiis para masuportahan ang kanyang pamilya.

Nagflashback si Batman . . .

Dati - rati " happy go lucky " lang si Batman. Nakukuha niya kung ano man ang gustuhin niya. Pera . . . materyal na bagay . . . name it . . . he have it!. Sarili lang niya ang iniisip niya. Pero simula ng kunin na ni Lord ang kanyang mahal na ama, umiba na ang takbo ng buhay niya.

Di na katulad dati na kumpleto pa ang parents niya. Ngayon mag-isa nalang ang kanyang pinakamamahal na ina para bigyan ng magandang kinabukasan ang dalawa pa niyang nakababatang kapatid. Bilang nakatatandang kapatid, sa ayaw at sa gusto ni Batman, siya ang sasalo sa responsibilidad na iniwan ng kanyang ama.

Natutong mag-isip si Batman tungkol sa buhay. Ano ang mas makabubuti sa pamilya niya? Kaya napilitang mangibang bansa para sa kinabukasan ng kanyang mga nakababatang kapatid.

Pero hindi lang ito ang gustong marating ni Batman. Pero kailangan niya munang magtiis para sa pamilya. Di pa ito ang tamang panahon para sa kanyang totoong pangarap . . . pero alam niya na malapit na . . . MALAPIT NA!

Nagtanong siya ulit . . .

Stable na ba siya sa buhay?

Bigla siyang natahimik . . . at nag follow-up question pa . . . ano ba ang basihan ng pagiging stable sa buhay?

May sariling condo unit?

May 7 digit na pera sa bangko?

May 2 sasakyan . . . pang gimik at pampamalengke?

Nakapagtravel sa buong Asia, Europe or America?

Pwedeng magkape lang sa Hongkong?

O di na kailangang magtrabaho para mabuhay?

Biglang naguluhan si Batman. Biglang nag-isip.

Basta ang alam lang niya . . . STABLE ang buhay niya dahil . . .

Nakakatulog siya ng mahimbing.

May pamilyang nagmamahal sa kanya at kahit anong mangyari ay di siya iiwan.

Nabibili niya ang gusto niya at naibibigay niya ang kailangan ng kanyang pamilya.

Basta 'yun lang ang alam ni Batman . . . 'yun lang ang naging basihan niya sa pagiging stable sa buhay.

At ang kanyang huling katanungan . . .

Panahon na ba na siya'y lumagay sa tahimik?

Biglang nahilo si Batman.

At biglang nasuka.

Expired na pala ang gatas na iniinom niya.

At biglang kumulo ang kanyang tiyan.

Di na niya napigilan . . .

ummm! . . . ahhhh! . . . ummmm! . . . ahhhh! . . . proottttt! . . . prooottttt!

Alam niyo na kung ano ang nangyari kay Batman?

itutuloy . . . . .

Comments

  1. Anonymous5:44 AM

    Batman needs robin...sacrificing a lot of things for your family's betterment is one noble act you should be proud of. I salute you for this. I know the path you've been through and you surpassed all the hardships with a winning spirit...alas 7 na,magsaing ka na..nalipasan ka na naman ng gutom,,todo emote ang atmosphere mo jan!!

    ReplyDelete
  2. that is life!!kung sino ay mayroon siya talaga ang tutulong..you are blessed because you land a good job,and perhaps the Lord has a plan for you in the near future..whatever it is,I know the best thing could happen to you in God's will..good luck bro!!

    ReplyDelete
  3. //sherwin// thanks bro...family really comes first.

    //ping// hopefully in GODs' will. cheers mate!

    ReplyDelete

Post a Comment