Bakit?

Sabi nila simple lang ang relasyon ng dalawang taong nag-iibigan. Mahal mo siya at mahal ka niya dapat happy ending na. 

Pero di lang pala sapat ang mga salitang mahal niyo ang isa't isa. Kasi ang totoo niyan ay may mga bagay ka pang hahanapin sa relasyong inyong binuo. 

At sa kahahanap ng mga bagay na yon, unti-unting natatabunan ang simpleng rason kong bakit naging kayo.

Diyan na papasok ang disppointment at ang palaging hindi ninyo pagkakaintindihan, at mauuwi sa hiwalayan. 

Dahil sa ganyang ganap ay maraming BAKIT ang nabuong katanungan sa aking isipan. 

BAKIT di mo tingnan kong ano ang may meron tayo kesa hanapin ang mga bagay na wala?
BAKIT ayaw mo ng simple at gusto mo palaging komplekado?
BAKIT di mo maintindihan ang mga simpleng paliwanag?
BAKIT di mo nakikita ang pagmamahal ko para sa yo?
BAKIT wala kang nakikitang tama?
BAKIT sa halip na masaya tayo ay palagi nalang tayong nag-aaway?
BAKIT ang gulo ng utak mo?
BAKIT palaging negatibo ang pananaw mo sa buhay?

Mga BAKIT na ikaw lang ang nakakaalam ng mga sagot.

Gusto kong maintindihan pero ang hirap mong intindihin. 

BAKIT?

Comments